-- Advertisements --

Umapela si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Senado na aprubahan ang P198.4-bilyong budget ng Department of Agriculture para sa 2027. Ayon sa kaniya, sabay-sabay na pinapasan ng mga magsasaka at mangingisda ang krisis ng climate change, super El Niño, at pagtaas ng presyo ng pataba at krudo.

Babala ni Tiu Laurel, maaaring maapektuhan nito ang hanggang 4.6 milyong magsasaka sa buong bansa. Diin niya, hindi makatarungang humingi ng murang pagkain kung mismo ang mga nagtatanim ay hirap sa gastos sa produksyon.

Layunin ng panukalang pondo na tulungan ang sektor gamit ang de-kalidad na binhi, makabagong teknolohiya, at mga bagong farm-to-market road at cold storage. Makatutulong din ito para mabawasan ang pagkalugi at maitaas ang kita ng mga komunidad sa kanayunan.

Bagama’t bumaba sa 7.9% ang bahagi ng agrikultura noong 2025, patuloy pa rin itong nagbibigay ng trabaho sa isa sa maraming Pilipino.

Dagdag pa ng DA, kailangan din ang malaking pondo para sa irigasyon at post-harvest facilities upang tuluyang tumibay ang suplay at seguridad ng pagkain sa bansa.