-- Advertisements --

Bahagyang humina ang Super Typhoon Rosal nitong Huwebes ng madaling araw, batay sa pinakabagong update ng state weather bureau PAGASA, Oktubre 22, bagama’t nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signals no. 1 at 2 sa ilang lugar ng Extreme Northern Luzon.

Huling namataan ang mata ng bagyo patungong hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras sa layong 495 kilometro silangan ng Basco, Batanes na may taglay na hanging umaabot sa 195 kilometro kada oras at may bugsong umaabot sa 240 kilometro kada oras.

Nakataas na rin ang wind signal no. 2 sa Batanes at ang hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Islands).

Nakataas din ang wind signal no. 2 sa ilang hilagang bahagi ng bansa tulad ng nalalabing lugar sa Babuyan islands, mainland Cagayan, silangang bahagi ng Isabela sa Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, San Pablo, Ilagan City, San Mariano, at Dinapigue, maging sa lalawigna ng  Ilocos Norte, at Apayao.
Ayon naman sa PAGASA, maaaring humina ang bagyo bilang typhoon category sa susunod na 24 oras at inaaasahang lalo pang humina bilang severe tropical storm pagdating ng Sabado.

Inaasahan naman itong lumabas sa Philippine Area of Responsibility sa darating na Biyernes ng gabi o madaling araw ng Sabado.

Samantala, bagama’t hindi magla-landfall ang bagyo, pinaalalahanan pa rin ng ahensiya na posible pa ring makaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa at inanyayahang maging handa at updated ang publiko sa mga abiso.