-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-iimbestiga sa mga imported na karne ng baboy para malaman kung naaapektuhan at nalulugi na ang mga lokal nating prodyuser.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., may nakita silang dahilan para suriin ito sa ilalim ng Safeguard Measures Act. Saklaw ng imbestigasyon ang mga sariwa, frozen, at iba pang produktong baboy mula 2021 hanggang Agosto 2026.

Ilan sa mga nakitang dahilan ng imbestigasyon ay ang pagbaba ng kita at presyo ng ibinebenta ng ating mga lokal na prodyuser, pati na rin ang pagdami ng mga naka-imbak na imported na karne sa bansa.

Nilinaw naman ng DA na wala pang ipinapataw na dagdag na buwis o taripa sa ngayon. Kailangan muna itong pag-aralan nang mabuti para patunayan kung ang mga imported na produkto nga ang dahilan ng paghihirap ng mga lokal na prodyuser .

Karamihan sa mga inangkat na karne ay mula sa European Union (EU), pati na sa Brazil, Spain, Canada, Netherlands, at United States. Nakipag-ugnayan na ang DA sa Department of Foreign Affairs para abisuhan ang mga bansang ito at hingin ang kanilang reaksyon.