-- Advertisements --
Patay ang 153 katao matapos ang naganap na drone strike sa Abyei ang border na pinag-aagawan ng Sudan at South Sudan.
Isinisi ni Yohanna Akol Ngor ang caretaker information administration ng Abyei ang military ng Sudan sa pag-atake sa Amiet Market.
Gumamit umano sila ng drone strike na ang target ay ang fuel tankers na galing sa South Sudan na patungo sana sa paramilitary Rapid Support Forces (RSF).
Karamihan aniyang nasawi ay mga RSF members at mga sangkot sa pag-smuggle ng mga langis.
Nanindigan ang South Sudan’s Foreign Ministry na ang mga nasa likod ng pag-atake sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang bansa ay ang military mula sa Sudan na ikinasawi ng maraming sibilyan.













