-- Advertisements --

Binatikos ni US President Donald Trump si Ukraine President Volodymyr Zelensky dahil sa ginawang pag-atake nito sa Russia.

Ayon kay Trump na hindi na inirespeto ng Ukraine ang naging pakiusap nila na tigilan ang pag-atake sa Russia.

Sa malawakang drone attack ng Ukraine ay tinamaan ang mga oil depot ng Russia.

Dagdag pa ng US President ayaw niyang mawala ang Russia sa negosasyon para matapos ang giyera sa pagitan nila ng Ukraine.

Giit ni Trump na walang ginagawa ang Ukraine para tuluyang matapos na ang giyera nila ng Russia.

Ipinagmalaki pa ni Trump na nasa proseso na siya sa pagsasaayos ng negosasyon sa pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Magugunitang nagkaroon ng sama ng loob si Zelensky kay Trump dahil sa pakikipagmabutihan nito sa Russia para makakuha ito ng dagdag ng suplay ng langis.