-- Advertisements --
Pinabulaanan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang kumakalat na ulat na muli siyang magiging kalihim ng Department of Transportation (DOTr).
Lumabas ang mga ulat na magkakaroon umano ng posisyon swap sina Dizon at kasalukuyang Acting DOTr Secretary Giovanni Lopez. Iniuugnay naman ang sinasabing pagbabago sa gabinete sa koneksyon ni Dizon kay Senador Alan Peter Cayetano.
Pero ayon kay Dizon, fake news ang naturang ulat at wala siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa sinasabing pagpapalit ng puwesto.
Sinabi rin ni Dizon na handa siyang maglingkod sa anumang posisyong ipagkatiwala sa kanya ng pamahalaan.
Si Dizon ay dating kalihim ng DOTr bago italaga bilang kalihim ng DPWH.
















