-- Advertisements --

Target nang muling buksan sa October 20 ang northbound lane ng Dimasalang Bridge sa Sta. Cruz, Maynila.

Magandang balita ito sa mga motorista dahil malapit na ang Undas at inaasahang dadami ang mga magtutungo sa Manila North Cemetery na malapit sa tulay.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, apat na buwan lamang isinagawa ang proyekto matapos isara ang naturang bahagi noong Mayo 23.

Sinabi ni Dizon na hindi lang inayos kundi pinalitan ang buong bahagi ng tulay.

Inaasahang makatutulong ang pagbubukas nito para maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa lugar ngayong Undas.