-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Department of Health (DOH) na palakasin ang kampanya nila laban sa banta ng tinatawag na “very strong El Niño” sa kalusugan.

Sinabi ni DOH Secretar Edwin Mercado, na nais ng Pangulo na hindi lamang sa mga posters at mga online ibahagi ng DOH ang magiging masamang epekto ng “very strong El Niño”.

Kung maaari aniya na magtungo sa bawat mga barangay o komunidad para maibahagi kung ano ang dapat gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit dahil sa sobrang init ng panahon.

Ibinahagi na rin ni Mercado sa kanilang regional DOH offices ang nasabing mensahe para magkaroon ng pagbabahay-bahay ng mga ito.