Itinalaga si taekwondo gold medalist Jeus Gabriel Derrick Yape bilang flag bearer ng Pilipinas sa pagtatapos ng seremonya ng 20th Asian Games Aichi Nagoya 2026 sa Linggo.
Inanunsyo ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino ang appointment ni Yape noong Sabado. Ayon kay Tolentino, karapat-dapat ang 22-anyos na atleta sa naturang karangalan matapos niyang makuha ang gintong medalya sa mixed individual virtual taekwando.
Naging bahagi si Yape ng makasaysayang kampanya ng Philippine taekwondo sa Games, kung saan nagtala ang koponan ng nakakuha rin siya ng bronze medal sa Men’s Individual Poomsae. isang ginto, tatlong silver medal at 1 bronze medal.
Makakasama ni Yape sa parada ng mga atleta ang mga silver medalists na sina Juliana Mykahil Candelaria, Tachiana Keizha Mangin, Kurt Bryan Barbosa at Carlo Paalam
Gaganapin ang closing ceremony sa, Nagoya City, Mizuho Park Athletics Stadium sa ganap na alas-5:00 ng hapon













