-- Advertisements --

Pumalo na sa higit 500 ng 3,700 mataas na paaralan sa France ang naantala sa patuloy na malawakang protesta ng mga kabataan hinggil sa anila’y hindi makatarungang estado ng kanilang mga paaralan.

Ayon sa mga bagong ulat, nakakasagupaan na rin ng libo-libong nagpoprotesta ang riot police. Nililiyaban din ang ilang mga lansangan dulot ng kanilang dismaya at galit sa kundisyon ng sektor ng edukasyon ng Frace.

Nitong Biyernes, may ulat ding 17 taong gulang na naaresto ng mga pulis dahil sa umanoy attempted homicide laban sa isang pulis.

Samantala, 170 na estudyante at higit 65 naman na staff member ang naitalang sugatan sa mga protesta, kung saan 40 sa mga ito ay high school principals. 100 eskwelahan na rin ang nagtala ng matinding pinsala bunsod ng mga bayolenteng protesta.

Nagsimula ang protesta sa Paris, ang kabisera ng bansa, hanggang sa maapektuhan na rin ang ilang pangunahing syudad tulad ng Montpellier, Nantes and Marseille.

Pinagmulan ng protesta ang dismaya ng mga mag-aaral sa pamamalakad sa nasabing sektor kung saan anila’y hindi sapat ang kanilanng mga guro at pasilidad ng mga eskwelahan.