May panibago at matinding dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo simula alas-6:00 ng umaga ngayong Martes, Setyembre 22, 2026.
Naitatala ang pinakamataas na pag-akyat sa presyo ng diesel na madadagdagan ng P8.82 kada litro, samantalang ang kerosene naman ay tataas ng P6.47 kada litro.
Magkakaroon din ng pagtaas sa presyo ng gasolina na madadagdagan ng P4.88 sa bawat litro.
Bunsod ng naturang price hike, inaasahang papalo na sa P109.34 kada litro ang projected na presyo ng diesel sa mga lokal na istasyon.
Aabot naman sa P96.14 kada litro ang inaasahang presyo ng gasoline, habang tataas sa P127.78 kada litro ang halaga ng kerosene.
Ang panibagong pagtaas na ito ay dulot ng pagmahal ng produkto sa pandaigdigang merkado.
















