-- Advertisements --
Iginiit ni Atty. Paolo Panelo, spokesperson ng Office of the Vice President, na lumalakas ang kanilang punto hinggil sa credibility ni Ramil Madriaga dahil hindi ito ipinrisinta bilang witness, habang iba umano ang naging assessment ng prosecutor’s office ng Taguig.
Ayon kay Panelo, kung maaasahan at credible si Madriaga, sana ay ipinrisinta ito bilang testigo.
Sinabi ni Panelo na mismong Taguig City Prosecutor’s Office ay nagpahayag umano ng pagdududa sa credibility at mga salaysay ni madriaga, batay sa kanilang naging resolution.
Gayunman, iginiit ni Panelo na sa kabila nito, hindi umano umabot sa “Logical conclusion” ang prosecutor’s office, na ayon sa kanya ay dapat sanang nagresulta sa pagsasampa ng perjury case laban kay Madriaga.
















