-- Advertisements --

Naendorso na ni Senate Impeachment Court presiding officer, Sen. Chiz Escudero sa Senado ang request ni Sen. Rodante Marcoleta na makibahagi sa paglilitis vs VP Sara Duterte.

Ang naturang kahilingan ay sa kabila ng kaniyang pagkakakulong sa Quezon City dahil sa kinakaharap na kasong plunder.

Ayon kay Impeachment Court spokesperson, Atty. Regie Tongol, sa Senate plenary na dadalhin ang naturang isyu upang pagdesisyunan ng lahat ng mga senador.

Binalikan ni Tongol ang naunang ruling ni Sen. Escudero kung saan sinabi niyang ang posibleng pagpayag kay Marcoleta na makibahagi sa impeachment proceedings ay dapat pagdesisyunan ng Senado bilang isang legislative body.

Sa ngayon, wala pa aniyang malinaw na impormasyon kung kailan tatalakayin ang naturang isyu.