Pinayagan ni International Criminal Court presiding judge Joanna Korner si dating pangulong Rodrigo Duterte na umalis sa courtroom matapos kilalanin ang kanyang pagdalo sa isinagawang status conference noong Miyerkules.
Sinabi ni Korner kay Duterte at sa kanyang lead counsel na si British lawyer Peter Haynes na maaari nang umalis ang dating pangulo sa courtroom kung nanaisin nito.
Ito ang unang pagkakataong personal na humarap si Duterte sa ICC habang tinatalakay ng korte ang mga isyu kaugnay ng kanyang kalusugan at kakayahang humarap sa paglilitis.
Sinabi ni Korner kay Duterte at sa kanyang lead counsel na si British lawyer Peter Haynes na hindi na kailangang magsumite ng hiwalay na motion upang humiling ng pahintulot na makaalis ang dating pangulo sa courtroom.
Si Duterte ay nahaharap sa mga alegasyon ng crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga.
















