-- Advertisements --

Naniniwala ang Malacañang na hindi makakaiwas sa pagharap sa plunder case si Dating House Speaker Martin Romualdez sa kabila ng kaniyang iniulat na mga karamdaman at patuloy na pagkaka-confine sa ospital.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat bigyan ng benefit of the doubt ang mga doktor na sumusuri sa kondisyon ni romualdez at sila ang dapat magtakda kung maaari na siyang ilabas o ilipat mula sa ospital.

Iginiit ni Castro na hindi maaaring pilitin ng PNP o DILG na ilipat agad si Romualdez kung may medical certification na hindi pa siya medically fit para alisin sa ospital.

Gayunman, sinabi niyang hindi naman umano makakatakas ang dating speaker habang nasa ilalim ng hospital confinement.

Si Romualdez ay nahaharap sa p7.4-Bilyong plunder case kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project.

Inaresto siya noong Setyembre 7 habang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan city.