-- Advertisements --
Ibinunyag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na kabilang ang dalawang Americans sa 19 na napatay sa Barangay Toboso,Negros Occidental.
Kinilala ang mga ito na sin Lyle Prijoles at Kai Dana-Rene Sorem.
Ayon pa sa NTF-ELCAC, si Prijoels ay konektado sa Anakbayan USA mula pa noong 2012 at dumating sa bansa ngayong taon kasama si Sorem.
Dahil dito ay nababahala ang task force sa pagkakasangkot ng mga foreign nationals sa mga local armed groups.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang NTF-ELCAC sa mga pamilya ng nasawing American nationals.
Magugunitang kabilang ang isang student activists, journalist at researchers ang nasawi ng magkaroon ng sagupaan sa grupo ng New People’s Army (NPA) at mga kasundaluhan ng bansa.
















