-- Advertisements --

Tiniyak ni Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon ang patas na pagdinig ngayong siya na ang chairperson ng House Committee on Public Accounts.

Sa isang panayam sinabi ni Ridon, kaniyang sisiguraduhon na hindi siya ang bida sa komite.

Natanong kasi ang kongresista hinggil sa kanyang nararamdaman ngayong siya ang napiling humalili sa tinaguriang “Mr. Contempt” ng Kamara na si dating Abang Lingkod Partylist Representative Joseph Stephen Paduano.

Sabi ni Ridon, kailangang linawin na mayroong contempt powers ang komite at maaari itong ipatupad kung may batayan.

Pero lahat aniya ng usapin ay ibabase sa dokumento, ebidensya at pag-amin ng resource persons kasabay ng pagtitiyak na itataguyod ang “objective” na findings at mga rekomendasyon.

Samantala, ipinunto pa ng mambabatas na tututukan ng Public Accounts ang mga isyu ng nasasayang na pondo at underperformance sa mga ahensya ng gobyerno.