-- Advertisements --

Umabot na sa 99 ang nasawi sa wildfires sa Chile nitong Linggo. 32 bangkay pa lamang dito ang nakilala na ng kanilang mga kaanak. 

Ayon kay President Gabriel Boric, maaari pa itong tumaas dahil tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap sa ibang katao.

Patuloy na sinusuong ng mga responders ang wildfires sa gitna ng matinding init dahil sa summer na umaabot sa 40 degrees celsius. 

Nagdeklara na si Boric ng state of emergency at nangakong tutulungan ang mga naapektuhan ng wildfire matapos itong bumisita sa lugar at nangakong magpapadala pa ng security personnel para masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Humigit-kumulang 1,400 na kabahayan ang natupok ng sunog kaya naman ang ibang residente ay hindi umaalis sa kanilang mga tahanan kahit na nakahanda na umano ang mga evacuation centers. Nasa 372 naman ang naiulat na nawawala.

Ayon sa national disaster service ng bansang Chile, halos 26,000 na ektarya ang nasunog. Nagtulong-tulong naman ang 1,400 na bumbero at 1,300 na military personnel para maapula ang apoy.

Nanawagan na rin si Pope Francis na ipanalangin ang mga biktima ng wildfire sa naturang bansa.