98% sa mga paaralan sa buong bansa ang nagpatuloy sa pagbubukas ng klase ngayong araw para sa School Year 2024-2025 ayon yan kay Education Secretary Sonny Angara.
Ani Angara, higit 840 paaralan ang nagpasyang i-postpone muna ang opening of classes dahil sa epekto ng Bagyong Carina at Habagat.
Una nang iniulat na batay sa datos ng Department of Education, apektado ng naantalang pagbubukas ng klase ang nasa 803,824 na mag-aaral.
Nasa 225 ang bilang ng mga paaralan na postponed ang opening of classes sa National Capital Region (NCR), 231 sa Region I, nasa 452 sa Region III, 67 naman sa Region IV-A at 4 sa Region XII.
Ayon kay Angara, ang mga nagsuspinde ng pasok ngayon ay magsasagawa ng make-up classes sa Sabado.
Samantala, sinabi naman ni Angara na dapat pa ring ipagpatuloy ng mga paaralan ang pag-implementa ng polisiya na kung saan ipinagbabawal ang mga dekorasyon sa classroom walls at sa iba pang pasilidad.
Ani Angara, magko-konsulta pa siya sa mga guro at principals kung dapat bang panatilihin ang DepEd Order 12 o babaguhin.
Nakasaad sa DepEd Order 21 na dapat tiyakin ng mga paaralan na ang mga school ground, silid-aralan at lahat ng dingding nito, at iba pang pasilidad ng paaralan ay malinis at walang mga unnecessary artwork, dekorasyon, tarpaulin, at poster sa lahat ng oras.