Mahigit 219,000 o nasa 98 porsyento na ng mga tauhan ng PNP ang nabigyan na ng booster shot laban sa Covid 19.
Una nang sinabi ni PNP public information office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba na sinisikap ng PNP na makumpleto ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga tauhan na fully vaccinated bilang karagdagang proteksyon.
Ito aniya ang dahilan kaya nakamit na ng PNP noong nakaraang linggo ang kanilang target na zero COVID cases.
Gayunman, meron paring pa-isa-isang iniuulat na bagong kaso ng Covid 19 ang PNP mula noong nakaraang linggo.
Ngayong araw, iniulat ng PNP Health Service ang isang bagong kaso, na siyang tanging aktibong kaso sa hanay ng PNP.
Mula ng magsimula ang pandemya, nasa 48,863 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng Covid 19, kung saan 48,733 ang naka-rekober at 129 ang nasawi.