-- Advertisements --
bar exam

Inanunsyo ng Korte Suprema na 96.26% ng mga aplikante para sa 2023 Bar examinations ang nakakumpleto na ng tatlong araw na pagsusulit.

Ayon sa SC, may kabuuang 10,387 sa 10,791 na aplikante ang nakatapos na ng pagsusulit.

Sinabi ni Bar chairperson at Associate Justice Ramon Paul Hernando, naging mapayapa ang ang resulta ng 2023 bar examination.

Aniya, ang 2023 Bar examinations ay isang testamento sa pangako ni Hernando sa pagtataguyod ng accessibility at inclusivity habang pinahintulutan ng Korte ang mga piling examinees na may espesyal na pangangailangan na kumuha ng mga pagsusulit.

Sinabi ng Korte na ang isang examinee na visually impaired ay pinahintulutan na kumuha ng pagsusulit sa pamamagitan ng Digital Booklet Method, kung saan ang isang laptop na ibinigay ng korte na may non-visual desktop access ay nagsilbing booklet.

Dagdag pa ng SC na ang pinakamatandang examinee ngayong taon ay isang 86-anyos na aplikante habang ang pinakabata naman ay 23 taong gulang.

Ang Bar exams na ginanap sa 14 na lokal na testing centers sa buong bansa ay natapos noong Linggo, Setyembre 24.