-- Advertisements --
sim card

Iniulat ng National Telecommunications Commission (NTC) na nasa kabuuang 96.5 million SIM cards na ang nairehistro sa buong bansa salig sa SIM card registration law.

Ito ay katumbas ng 57.45% ng kabuuang 168 million SIM cards sa bansa ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan.

Subalit hindi aniya inaasahan ang 100% registration turnout kasabay ng pinalawig pa na registration period.

Matatandaan na pinalawig ng panibagong 90 araw ang deadline para sa SIM registration na magtatagal hanggang sa Hulyo 26 ng kasalukuyang taon.