-- Advertisements --

Hindi umano makakadalo si British Queen Elizabeth II sa pagtitipon ng mga miyembro ng royal family para sa Easter Sunday service sa Windsor Castle.

Ang pahayag mula sa royal source ay ilang araw lamang matapos ding kumpirmahan ang kabiguan din ni Queen Elizabeth na makibahagi sa taunang Maundy Service.

Unang pagkakataon daw ito sa loob ng 50 taon.

Si Queen Elizabeth na siya ring namumuno ng Church of England, ay nagbawas na rin ng kanyang mga public engagements kamakailan lamang.

Bagamat maayos naman daw ang kalusugun nito, medyo apektado na rin sa panghihina ang galaw ng reyna.

Kung maalala noon lamang buwan ng Pebrero nag-anunsiyo ang Buckingham Palace na ang 95-anyos na monarch aty angpostibo sa COVID-19 pero dumanas lamaw daw ito ng mild cold-like symptoms.