-- Advertisements --
Tuluyan ng pumanaw ang 95-anyos na babae matapos na ito ay ma-taser ng mga kapulisan sa isang care home sa Australia.
Si Clare Nowland ay nagtamo ng mga sugat matapos na ito ay gamitan ng taser ng kapulisan.
Noong nakaraang linggo kasi ay inireklamo ito dahil sa palakad-lakad ito sa home care na mayroong dalang kutsilyo.
Rumesponde ang mga kapulisan kung saan gumamit sila ng taser para mapigilan si Nowland.
Nagtamo ng fractured skull at serious brain bleeding ang biktima matapos ang insidente.
Ayon sa New South Wales Police na kanilang sinampahan na ng kaso ang 33-anyos na senior constable.
Naninirahan kasi si Nowland sa care home sa bayang Cooma ng south Canberra.