Pumalo na sa 941 na mga lugar sa bansa ang tinukoy ngayon ng Philippine National Police (PNP) na election “hot spots” sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, batay sa pinakahuling validated information na election watchlist areas, binubuo ito ng 1,634 lungsod at munisipyo.

Sa nasabing bilang, 131 rito ay “yellow category;” 238 “orange category” o areas of immediate concern; at 570 ay areas of grave concern o “category red.”

Ang Cotabato at Daraga, Albay naman ay inilagay na sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Albayalde, 118 red areas ang tinukoy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao; 93 sa Northern Mindanao; 73 sa Caraga region; 72 sa Zamboanga Peninsula; 49 sa Davao Region at Soccsksargen; 45 sa Eastern Visayas; 28 sa Cordillera; 21 sa Bicol; lima sa Calabarzon; apat sa Central Luzon at Western Visayas; dalawa sa Cagayan Valley; at isa sa Central visayas.

Nilinaw din ni Albayalde na walang “red” areas sa Metro Manila.

Sa pagsisimula ng local campaign sa Marso 29, inaasahan na rin ng PNP na magkaroon ng mga election related and violent incidents.

Kaya naman, mismong si Albayalde ang mangungnguna sa gagawing re-alignment ng mga tropa partikular sa mga lugar na inilagay sa sa red category.