Isinasapinal na ng Department of transportation and communications technology ang paglalagay ng libreng internet sa 94 na major tourists destinations sa bansa.
Ayon kay DICT Chief Ivan John Uy, pinili nila ang mga lugar na may malaking connectivity issues.
Batay sa inisyal na plano ng DICT, ang unang bahagi ng kanilang plano ay sasakop sa 46 na tourist destinations, kabilang ang Baguio, Palawan, Boracay, Cebu, at iba pa.
Ayon pa sa kalihim, na maaaring mapakinabangan ng mga vloggers ang magandang internet service sa mga nasabing lugar, at bilang kapalit ay maaari nilang gamitin ang mga ito bilang marketing tool.
Umaasa ang ahensiya na masisimulan sa lalong madaling panahon ang planong ito, kasabay na rin ng pagnanais ng pamahalaan na makabangon ang tourism sector na matagal na pinadapa ng pandemisya.