-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Mahigit 90 dating rebelde ang napagkalooban ngayong araw ng livelihood settlement grants sa ilalim ng enhanced comprehensive local integration Program (ECLIP) ng pamahalaan .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Cezario Joel Espejo ng DSWD Region 2 , sinabi niya na nasa 93 rebel returnees ang napagkalooban ng tig-Php20,000.00 pangkabuhayan.
Inaasahang makakatulong ito ng malaki sa mga dating rebelde sa kanilang pagbabagong buhay at maiwasan ang muli nilang pagsapi sa makakaliwang grupo.
Ang tulong ay magagamit nilang puhunan sa pagtitinda at pag-aalaga ng baboy.
Upang matiyak na hindi mapupunta sa wala ang tulong ay isinasagawa ang social preparation at tinuturuan sila sa pagpapalago ng kanilang negosyo.