Aabot sa kabuuang Php200,000 ang halaga ng pabuya na alok ng mga kinauukulan sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa suspek sa pananambang sa isang abogado ng Department of Public Works and Highways.
Ito ang inanunsyo ni Southern Police District Director PBGEN Kirby John Kraft kasunod ng pagsasapubliko sa larawan ng pinaniniwalaang suspek sa pamamaril kay Atty. Maria Rocelle Meliza na Chief ng Right of Ways Acquisition and Legal Division ng DPWH NCR sa Pasay City noong Hunyo 5, 2023.
Pag-amin ni PBGEN Kraft, bagama’t hawak na ng pulisya ang larawan ng naturang suspek at hindi pa rin aniya nila tukoy ang mismong pagkakakilanlan nito.
Dahil dito ay patuloy ang panawagan ng pulisya sa publiko na agad na ipagbigay-alam sa mga otoridad kung may nakakakilala sa nasabing salarin upang makatulong na rin sa imbestigasyon at maaari lamang aniya na makipag-ugnayan sa SPD hotline na 09985987920 at Pasay Police na 09985987922 para sa dagdag na impormasyon.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa nananatili pa rin sa Intesive Care Unit ang biktima nang dahil pa rin sa mga tinamo nitong pinsala mula sa naturang pag-atake.