-- Advertisements --

Malapit nang umabot sa 90 percent ng mga COVID-19 beds ng Philippine General Hospital (PGH) ang kasalukuyang ginagamit.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, nakakakita kasi sila ngayon ng “steady increase” sa COVID-19 admissions sa kanilang ospital.

Sa ngayon, 312 ang COVID-19 patients na naka-admit sa PGH, pinakamataas mula nang magkaroon ng surge ng Delta variants sa nakalipas na taon.

Sa bilang na ito, nasa 65 percent aniya ang mayroong mild to moderate case habang ang nalalabi naman ay severe at critical.

Sinabi rin ni Del Rosario na nasa 90 percent ng mga pasyenteng naka-admit ngayon sa PGH ay “incidental” COVID-19 hospitalizations, o mga pasyente na isinugod sa kanilang pasilidad dahil sa ibang sakit pero nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon, sinisikap na aniya nilang mapabilis ang kanilang triaging.