Dumating na sa Pilipinas ang siyam na Pilipinong tripulante ng isang oil tanker na nasamsam ng hukbong-dagat ng Iran sa Gulf of Oman.
Ayon sa isa sa mga crew member na si Lord Rangasajo, nagkaroon sila ng positibong pakikipag-ugnayan sa mga Iranian. Maganda umano ang pakikiharap ng mga Iranian sa kanila at wala silang naging problema. Binanggit din niya na hindi sila hinarass.
Samantala, ibinunyag naman ng Department of Foreign Affairs na dalawa pa ang inaasahang babalik sa Pilipinas ngayong linggo.
Habang ang natitirang anim ay naghihintay pa ng mga kapalit bago bumalik sa Pilipinas.
Pagtiyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), handa silang magbigay ng psychocounseling sa mga darating na seafarer, kasama ang financial assistance accommodation, at air fare kung kailangan nilang bumalik sa kanilang mga probinsya.
Matatandaan na nasa ilalim ng kustodiya ng Iran ang mga tripulanteng pinoy kasunod ng pag-agaw ng Iranian Navy sa oil tanker na St. Nikolas sa Gulf of Oman noong Enero.
Ang aksyon ng Iran ay isang ganting tugon sa pagkumpiska ng Iranian crude oil mula sa parehong sasakyang-dagat ng US forces noong 2023.