-- Advertisements --
Patay ang siyam na US citizens kabilang ang anim na bata sa ginawang pamamaril ng hinihinalang drug cartel sa northern Mexico.
Pawang mga miyembro ng LeBaron family na iniuugnay sa mga breakaway Mormon community na tumira na sa Mexico ilang dekada na ang nakakalipas.
Naganap ang insidente habang lulan ng kanilang sasakyang ang mga biktima at sila ay tinambangan pagdating sa Bavispe.
Agad namang kinondina ni US President ang atake at ipinahayag nitong handang makibahagi ang US para mabilisang maaresto ang mga suspek.