-- Advertisements --
Natagpuan na ang siyam katao na naiulat na nawawala matapos ang paglubog ng tourist boat sa Japan.
Ayon sa Japanese coast guard, na nakita ang mga ito sa dulo ng Capt Shireteoko sa isla ng Hokkaideo.
Apat sa mga natagpuan ay walang malay.
Magugunitang nawalan ng contact ang mga otoridad sa crew ng Kazu 1 boat ng unang iulat na pinasok ng tubig ang bangka.
Lahat aniya ng 24 pasahero kabilang ang dalawang bata ay nakasuot ng life vest kasama ang dalawang crew members.
Galing sa Shiretoko Peninsula peninsula ang bangak ng ito ay lumubog malapit sa Kashinu Falls.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.