-- Advertisements --
npa

LA UNION – Nagbalik loob na sa pamahalaan ang siyam na tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Maria sa lalawigan ng Aurora.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lt. CoL. Reandrew Rubio, acting commanding officer ng 91IB, 7ID, PA, sinabi nitong mula sa grupong nagsisilbi bilang legal front ng NPA na Panglalawigang Alyansa ng Magsasaka sa Aurora (PAMA) ang mga hindi na pinangalanang tumiwalag sa nasabing samahan.

Ayon kay Rubio, dahil sa hindi pagtupad sa mga ipinangako ng mga rebelde sa mga sumukong magsasaka at ang tuluy-tuloy na pakikipag-usap ng lokal na pamahalaan sa mga ito ang dahil ang pagkalas ng kanilang suporta.

Kabilang umano ang PAMA sa mga nangangalap ng tulong para sa NPA.

Samantala, nabigyan na rin ng relief goods ang mga sumuko at maliban pa sa ibang tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga ito.