CAUAYAN CITY- Halos 88% ng mga pulis sa nasasakupan ng Police Regional Office (PRO 2) ang fully vaccinated na habang 99% naman ang nabakunahan na ng first dose ng bakuna kontra COVID-19 .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Andre Abella, tagapagsalita ng PRO 2 na ang mga bakunang naiturok sa mga pulis ay Sinovac, Sputnik at Aztrazeneca.
Inihayag pa ni PLt. Col. Abella na mayroong 10 pulis ang ipinagpaliban muna na mabakunahan dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng mayroong medical condition, at mga buntis.
Sinisikap anya nilang mabakunahan ang lahat ng mga pulis sa rehiyon upang mayroong panlaban sa COVID-19 virus.
Inatasan anya ang Regional Medical and Clinic ng PRO2 na magsagawa ng vaccination sa mga pulis bukod pa sa isinasagawang pagbabakuna na isinasagawa ng DOH katuwang ang mga Provincial Municipal at City Health Office sa lalawigan.
Nagsimula na rin ang pagbabakuna sa dependents ng mga pulis sa PRO 2.