Nakauwi na sa bansa ang 87 distressed overseas Filipino workers mula sa Saudi Arabia ngayong Sabado.
Ayon sa Department of Migrant Workers, dumating ang Filipino repatriates sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kabilang ang 3 mga bata.
Ayon kay DMW spokesperson Toby Nebrida, hindi nakasama ang ilan pa sa OFws dahil sa pagkaantala ng pagproseso ng kanilang mga papeles subalit nakatakdang ma-repatriate na rin ang mga ito at nakatakdang umuwi sa bansa sa mga susunod na araw.
Mabibigyan naman ang mga Filipino repatriates ng US$200 bawat isa bilang inisyal na tulong pinansiyal ng Migrant Workers Office sa Riyadh na siyang nag-asikaso ng flight ng mga Pilipino pabalik dito sa bansa.
Liban dito, makakatanggap din ang OFWs ng iba pang benepisyo gaya ng medical check-up at referral services at psychosocial evaluation at assessment at tutulungan din ng pamahalaan ang mga ito na makauwi sa kanilang mga probinsiya.