Magpapakalat ang Bureau of Immigration (BI) ng 87 bagong immigration officers para protektahan ang mga border ng ating bansa.
Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, ang mga bagong immigration officers ay sinanay na magsilbi alinsunod sa core values ng ahensiya na makabayan, may integridad at propesyunalismo.
Agad naman na i-dineploy ang mga ito matapos magsanay sa ilalim ng Border Control Officers Module (BCOM) sa BI academy sa Clark, Pampanga.
Tiwala din ang BI official na mananatiling tapat sa kanilang tungkulin ang mga bagong talagang opisyal sa pagdepensa ng ating borders.
Pinaalalahanan naman nito ang mga BI personnel na tiyaking maisasagawa ng maayos ang kanilang mga tungkulin bilang itinalagang frontliners.
Nagbabala din si Comm. Tansingco na hindi niya kukunsintihin ang anumang hindi maganda o hindi propesyunal na gawain ng mga kawani ng ahensiya.