Karamihan umano sa mga Pilipino o nasa 82% ang naniniwala sa naging resulta ng May 2022 national at local elections.
Sa Ulat ng Bayan survey sa 1,200 respondents, sinabi ng Pulse Asia na ang nangingibabaw na sentimyento ang isa sa patunay na tiwala ng mga Pilipino na ang outcome ng nakalipas na national at local elections ay accurate at credible.
Nasa 73 hanggang 96% ang naniniwala sa naging resulta ng halalan mula sa geographic areas at 79% hanggang 82% naman sa socio-economic classes.
Ipinunto nito na marami sa mga naniniwala sa naging resulta ng halalan ay sa Mindanao na nasa 96% habang pinakakunti naman ang naniniwala sa ilang bahagi ng Luzon.
Mayroon namang 4% ng mga Pilipino ang hindi naniniwala at 14% ang hindi tiyak sa naging resulta ng election.