-- Advertisements --

Patay ang walong katao matapos ang pamamaril ng suspek sa isang paaralan sa Khyber Pakhtunkwa ng Pakistan.

Ang mga biktima ay pawang mga staff ng paaralan kung saan naganap ang insidente sa kasagsagan ng pagsusulit.

Sinabi ni district police officer Muhammad Imran na ang mga nasawi ay kinabibilangan ng limang guro at tatlong miyembro ng school support staff na pawang mga kalalakihan.

Isa sa mga tinututukan ng mga otoridad ay maaring awayan sa religious sector dahil pawang mga miyembro ng Shia Islam branch ang mga biktima.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang suspek at inaalam ang motibo sa nasabing pamamaril.