alabama boat

Kinumpirma ng mga otoridad na walong katao ang namatay matapos masunog ang nasa 35 bangka na nasa pantalan sa Alabama Lake.

Kaagad namang lumangoy papalayo sa insidente ang pitong katao kung saan ay nailigtas sila ng mga rescuer sa Jackson County Park Marina na halos may 100 milya ang layo mula sa Birmingham.

Hinihinala ng mga pulis na nasa siyam na katao ang may kinalaman sa insidente ngunit hindi pa nila ito kinukumpirma hangga’t hindi pa isinasailalim sa imbestigasyon ang mga nasunog na bangka.

Ayon sa Scottsboro Fire Department, nahihirapan umano silang alamin kung sino-sino ang mga taong tumutuloy sa mga bangka dahil ang iba raw dito ay mga private vehicles.

Patuloy namang inaalam ng mga kapulisan ang dahilan ng sunog.

Tinatayang aabot sa 20-40 feet ang haba ng mga bangka kung saan ang iba rito ay may naninirahan.

Sinabi naman ni Chief Deputy Rocky Harnen mula sa Jackson County Sheriff’s Department na lahat ng bangka ay nasira dahil sa sunog habang ang iba naman ay lumubog na lamang.