
Walong indibidwal ang nasawi habang isa ang sugatan matapos tangayin ng rumagasang tubig sa ilog ang isang jeep sa may bahagi ng Brgy. Sta. Ines, Tanay, Rizal.
Batay sa report pito sa mga nasawi ay mga senior citizen at isang limang taong gulang na bata.
Dinala sa covered court ng Brgy. Sta. Ines ang mga namatay mula sa inanod na jeep sa isang ilog.
Sugatan umano ang asawa ng jeepney driver na agad naman dinala sa hospital.
Ayon kay Tanay, Rizal Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Norberto Francisco Matienzo Jr. ang nasabing jeep ay galing sa town proper at mayruong sakay na 25 pasahero ng mangyari ang aksidente bandang alas-8:15 ng gabi.
Tumawid ang nasabing jeep sa isa sa 15 ilog sa Tanay ng magka-aberya at kalaunan hinampas ng rumaragasang tubig sa ilog.
















