-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang walong luxury watches na pag-aari ni Formula One legend Michael Schumacher.

Ayon sa Christies Auction na ang nasabing pagbebenta ay inorganiza ng pamilya ni Schumacher.

Ila sa mga dito ay ang relo na bigay ni German racing superstar at dating Ferrari CEO at dating motorsport governing body FIA President Jean Todt bilang regalo sa Pasko.

Inaasahan ng auction house na maibebenta nila ang nasabing mga relo ng mahigit $2.2 milyon.

Hindi naman binanggit ng pamilya nito ang rason ng pagbenta ng mga luxury watches ni Schumacher.

Taong 2012 ng magretiro ito sa F1 racing at noong Disyembre 2013 ay naaksidente siya habang nagsasagawa ng ice ski sa Alpine resort kung saan naapektuhan ang utak nito.

Patuloy na ito inaalagaan sa kaniyang bahay sa Switzerland.