-- Advertisements --

Dumating na sa Ukraine ang walong Leopard 2 tanks na galing sa Norway.

Ayon sa Norweigan Armed Forces na nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagsasanay ng mga sundalo ng Ukraine na mag-ooperate sa nasabing tanke.

Ang nasabing mga tangkeng pandigma na gawa sa Germany ay siyang naipangako mismo ni Norway Prime Minister Jonas Gahr Støre.

Sumunod lamang sila sa naging hakbang ng ilang mga bansa na magbigay ng mga tangkeng pandigma sa Ukraine para tuluyang maitaboy ang Russia.

Noong Pebrero din ay inanunsiyo ng Norway na bumili sila ng 54 German Leopard 2 tanks bilang bahagi ng pagpapalakas nila ng kanilang defense capabilities.