-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong tripulante ng isang cargo vessel na lumubog habang naglalayag sa karagatang malapit sa Semirara Island, Caluya, Antique.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Chief Allan Mandado, Deputy Station Commander ng PCG-Antique, sinabi nito na lumubog ang MB Roxanne nang hambalusin ito ng malalaking alon.

Mula sa Occidental Mindoro ang cargo vessel at maghahatid sana ng steel bars at sako ng semento sa Caluya, Antique.

Agad namang tinulungan ng Coast Guard ang mga tripulante at dinala sa Barangay Disaster Risk Reduction Management upang mabigyan ng medical attention.