-- Advertisements --
Natagpuang patay ang walong Chinese migrants sa karagatang bahagi ng Mexico.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad tumaob ang sinakyan nilang bangka habang nagtatangkang iligal na makapasok sa US.
Kinabibilangan ito ng pitong babae at isang lalaki ang nadiskubre sa karagatan ng San Francisco del Mar, Oaxaca.
Nakipag-ugnayan na sila sa Chinese embassy sa Mexico para makilala ang mga biktima.