-- Advertisements --
DFA 4

Sumasailalim na sa facility-based quarantine at mino-monitor ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang walong Pinoy na biktima ng human-trafficking sa Syria.

Una rito, nakabalik na sa bansa ang mga Pinoy na inilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sasailalim din ang mga ito sa RT-PCR testing para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ika-pitong araw ng kanilang quarantine.

Ang repatriation sa mga Pinoy ay dahil na rin sa tulong ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) at Philippine Embassy in Damascus, Syria.

Samantala, tiniyak naman ni foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola na tuloy-tuloy ang pagtulong nila sa mga stranded Filipinos sa ibayong dagat.