NAGA CITY – Nauwi sa kalungkutan ang sana’y masayang family outing matapos malunod ang isang bata sa Barangay Lubayat, Real, Quezon.

-- Advertisement --

Kinilala ang namatay na si Julia Kaye Althea Arradaza, walong taong gulang.

Napag-alamang naliligo sa ilog sa ilalim ng tulay sa nasabing lugar ang pamilya Arrandaza nang hindi nila namalayang napunta sa malalim na bahagi ng tubig ang biktima.

Sinubukan pa sanang sagipin ang bata ngunit nang makarating ito sa ospital ay idineklara ng dead on arrival ng doktor.