-- Advertisements --

Umakyat na sa walo ang active cases ng mas nakakawhawang Delta variant sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ito ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos na magsagawa ng retesting sa samples mula sa mga tinamaan ng Delta variant ng coronavirus sa bansa.

Ang mga pasyenteng ito ay nanatili pa rin aniyang asymptomatic.

Sa walong Delta variant cases, apat ang na-detect sa Cagayan de Oro, tig-isa sa Manila at Misamis Oriental, at dalawa naman ang returning overseas Filipinos.

Nauna nang hinimok ng DOH ang publiko na patuloy pa ring striktong sumunod sa mga health protocols na inilatag ng pamahalaan laban sa COVID-19 at iginiit na nanatili pa ring epektibo laban sa mga variants ang mga available na bakuna.

Inatasan na rin ng Department of Interior and Local Governmang (DILG) ang mga local government units (LGUs) na palakasin pa ang kanilang contact tracing efforts at tiyakin din ang transparency sa pagre-report ng mga variant cases.

Kagabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magpatupad ulit ng mas striktong restrictions sa bansa kasunod nang pagkumpirma ng DOH sa local cases ng Delta variant.

Ayon sa kagawaran, 35 ang Delta variant cases sa bansa, kung saan 11 dito ay local cases.

Tatlo naman ang namatay sa naturang bilang.