-- Advertisements --
Pumalo na sa 79 inmates ang nasawi sa naganap na magkakasabay na riot sa apat na prison facilities sa Ecuador.
Itinuturong mula sa mga magkakaaway na gang ang sanhi ng riot.
Nag-deploy na ang gobyerno ng military sa nasabing mga prison facilities.
Sa nasabing bilang 37 preso ang nasawi sa dalawang prison facilities sa Guayaquil city, 34 ang nasawi sa Cuenca at walo sa Latacunga.
Maraming preso rin ang nasugatan sa insidente.
Inatasan na ni Ecuador President Lenin Moreno ang defense ministry na higpitan ang pagbabantay sa mga prison facilities.