Nakauwi na sa Pilipinas ang karagdagan pang 77 Pilipino na naipit mula sa nagpapatuloy na labanan sa Sudan.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, dumating ang Filipino repatriates kahapon sa magkahiwalay na flights.
Mayroon pang 37 Pilipino ang nakatakdang umuwi sa bansa bukas, araw ng Sabado.
Nasa 100 Pinoy evacuees pa ang kasalukuyang nasa pantalan ng Sudan na nag-aantay para sa commercial ship.
Samantala, nasa 40 Pilipino naman ang nananatili pa rin sa Sudan.
Ayon kay de Vega, kinukumpirma na ng pamahalaan kung ito ang kanilang personal na desisyon o napipilitan lamang silang manatili dahil sa kanilang employers.
Sa kasalukuyan, aabot na sa halos 500 mga Pilipino ang na-reptriate palabas ng Sudan.
Iniulat naman ng World Health Organization na sumampa na sa 604 katao ang nasawi sa labanan sa Sudan at mahigit 5,000 ang nasugatan simula ng sumiklab ang labanan noong Abril 15 sa pagitan ng Sudanese military at paramilitary forces.