
Nasa 75,000 mga Filipino seafarers ang target kuhanin sa trabaho ng ilang mga kumpanya sa Estados Unidos sa nakalipas na tatlo hanggang apat na taon.
Ito ang ipinahayag ni John Padget, ang president at CEO ng Carnival Corporation, sa kaniyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaugnay nito ay iprinesinta rin ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Opla ang interes ng nasa 200,000 na mga Pinoy sa pagtatrabaho sa mga kumpanya sa US nang mayroong pagsunod sa patas at etikal na mga pamantayan at prinsipyo.
Dahil dito ay nagpahayag naman ng pasasalamat si Pangulong Marcos Jr. sa mga American employers dahil sa pagtitiwala ng mga ito sa kakayahan ng mga Filipino professionals at skilled workers ng ating bansa.
Kasabay nito ay binigyang diin niya ang 200,000 mga manggagawang ito ay kumakatawan din sa 200,000 mga pamilya at komunidad sa Pilipinas.
Sa bukod naman na pahayag ay sinabi ng Presidential Communications Office na mayroong apat na milyong Filipino immigrants sa Estados Unidos na kumakatawan sa 4th largest immigrant group kasunod ng Mexicans, Indians, at Chinese at sa pamamagitan anila ng kanilang mga remittances ay nakakatulong ang mga Pilipinong manggagawa sa economic development ng Pilipinas at Amerika.










